PAKSA AT PAMAGAT-PAMPANANALIKSIK
Mga Hanguan ng Paksa
1. Sarili
2. Dyaryo at Magazin
3. Radyo, TV at Cable TV
4. Mga Awtoridad, Kaibigan at Guro
5. Internet
6. Aklatan
Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa
1. Kasapatan ng Datos
2. Limitasyon ng Panahon
3. Kakayahang Finansyal
4. Kabuluhan ng Paksa
5. Interes ng Mananaliksik
Mga Batayan sa Paglimita ng Paksa
— Panahon
— Edad
— Kasarian
— Perspektiv
— Lugar
— Profesyon
— Anyo o uri
— Partikular na halimbawa o kaso
— Kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan
Batayan sa Paglilimita Panahon
Halimbawa
— Pangkalahatang Paksa: * Karapatan ng mga Kababaihan
— Nilimitang Paksa * Karapatan ng mga Kababaihan sa Panahaon ng Komowelt
Batayan sa paglilimita Edad
Halimbawa
— Pangkalahatang Paksa: * Mga Inventor na Pilipino at ang Hinaharap ng Teknolohiya sa
Pilipinas.
— Nilimitang Paksa: * Mga Batang Inventor na Pilipino (Edad 13-17) at ang
Hinaharap ng Teknolohiya sa Pilipinas.
Batayan sa paglilimita kasarian
Halimbaw
— Pangkalahatang Paksa: * Ang mga NGO Bilang Tagapuno na Kakulangan sa
Serbisyo ng Pamahalaan.
— Nilimitang Paksa: * Ang Papel ng mga Kababaihan sa NGO Bilang Tagapuno ng
Kakulangan sa Serbisyo ng Pamahalaan.
Batayan sa paglilimita Profesyon
Halimbawa
— Pangkalahatang Paksa: * Pag-aaral ng Wika ng mga Bakla
— Nilimitang Paksa: *Pag-aaral ng Wika ng mga Baklang Parlorista.
Batayan sa paglilimita anyo o uri
Halimbawa
— Pangkalahatang Paksa: * Persepsyon sa Kababaihan sa Larangan ng panitikang Ilokano.
— Nilimitang Paksa: * Persepsyon sa Kababaihan sa Larangan ng Panulaang Ilokano.
Batayan sa paglilimita Partikular na kalimbawa o kaso
Halimbawa
— Pangkalahatang Paksa: * Efektong Pangkapaligiran ng Turismo sa Pilipinas.
— Nilimitang Paksa: * Efektong Pangkapaligiran sa mga Beach Resorts sa Pilipinas:
Kaso ng Puerto Galera
Batayan sa paglilimita kumbinasyon
Halimbawa
1) Perspektiv: * Preferensya ng mga Estudyante
2) Uri * Preferensya ng mga Estudyanteng Nasa Unang Taon
3) Lugar * Preferensya ng mga Estudyanteng nasa unang taon sa
Universidad ng Makati
4) Anyo * Preferensya ng mga Estudyanteng nasa unang taon sa
Universidad ng Makati sa mga Dulang Panteatro sa Kampus.
Pamagat-Pampananaliksik
- Kailangang malinaw hindi matalinghaga, tuwiran hindi maligoy at tiyak hindi masaklaw.
- Ang mungkahing bilang ng salita sa pamagat hindi kasama ang pantukoy, pananda at pang-ugnay ay hindi kukulangin sa sampu at hindi hihigit sa dalawampu.
Source:
Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley. 2006. Kritikal na Pagbasa at
Lohikal na Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc.
maganda pakagawa mo sa blog mo,maimpormsyon din at kapipakinabang.Sakit.info
TumugonBurahin